DINOBLE ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits (VSCs) ng mga public school teacher mula 15 hanggang 30 days sa ilalim ng bagong guidelines.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 13, s. 2024, na nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara. Papayagan ang offset absences ng mga teacher dahil sa pagkakasakit o personal na kadahilanan o upang marecover ang salary deduction sa panahon ng bakasyon.
Isinasaad sa revised order na ang mga incumbent teachers na may Isang taon na sa serbisyo o naappoint ng 4 na buwan matapos na mag umpisa ang klase ay saklaw ng 30 days ng VSCs annually.
Ang newly hired teachers na nabigyan ng appointment 4 na buwan mula mag start ang classes ay makakatanggap ng 45 days ng VSCs per year.
Isa sa kapansin pansin na pagbabago ay ang probisyon para sa calculating service credits lampas sa regular na Oras ng trabaho.
Sa bawat Oras na karapat dapat na ginugol sa serbisyo kung school days, makakatanggap ang teacher ng 1.25 hours ng VSC. Kung siya ay nagserbisyo ng Christmas o summer breaks, weekends, o holidays, makakatanggap siya ng katumbas nang 1.5 hours ng VSC per hour.
Ang mga Teacher na maaasign upang gumanap ng pagtulong na gawain o karagdagang teaching-related duties lampas sa regular na Oras, ay mabebenipisyuhan din sa ilalim ng bagong guidelines.
Kabilang dito ang Pag attend sa training sessions ng weekends o holidays, conducting remedial or enhancement classes, election-related duties, parent-teacher conferences, at home visits.
Sa ganitong kaso makakatanggap sila ng 1.25 hours ng VSC kada karagdagang oras additional teaching, bukod pa ito sa kanilang 30-day entitlement kailangan lamang ay authorization mula sa Schools Division Superintendent o ibang designated authority.
0 Comments