CARNAPER NG MOTOR NATIKLO NG MGA OPERATIBA NG HIGHWAY PATROL GROUP CALABARZON. By : Rommel Madrigal
Tiklo ang dalawang umanoy nagnakaw ng motor matapos ang matagumpay na operasyon ng Regional Highway Patrol Unit 4A sa ilalim ng pangangasiwa ni Pcol Rommel C Estolano, Regional Chief na nasagawa ng manhunt operation at nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Jasfher at alyas John, sa Brgy. Bamlic Calamba City.Nabatid sa HPG 4A na noong Nobyembre 9, taong kasalukuyan, dakong ika 1:00 ng hapon ay humarap sa tanggapan ng PHPT Laguna ang complainant/biktima na si Quin Benedict R. Lavega, residente ng Las Pinas City, dala ang kanyang kopya ng Police Report. mula sa Las Pinas CPS kung saan ninakaw umano ang kanyang Suzuki Raider MC Habang nakaparada nang hindi nakilalang suspek sa harap ng Zarate Hospital, Naga Road, Las Pinas City.Na ayon sa biktima, noong Nobyembre 7, 2024, ang nasabing MC ay nai-post sa Facebook Marketplace bilang For Sale ang chassis at engine parts, flarings, at 2 set ng mag wheels na may gulong.
Kayat dahil dito ay kaagad kumilos ang mga tauhan ng PHPT Laguna sa pangunguna ni PEMS Redentor Estolero, at iba pang personnel na pinamumunuan ni Laguna Provincial officer Pmaj Dante R Aquino, na kung saan ay tinulungan ang nagrereklamo para mababawi ang nasabing Motorsiklo.
Nakipag-coordinate ang Team sa mga Brgy Officials ng nasabing Barangay at pagkatapos ay nakipagkita sa nagbebenta/possessor sa nasabing lugar na nag-alok ng mga cannibalized na bahagi ng Stolen Motorcycle. Pagdating sa nasabing lugar, personal na tinukoy ng complainant ang kanyang motorsiklo ngunit sa kasamaang palad, cannibalized na ito.
Sa pagkakataong iyon, inaresto ng operating Team ang mga Suspek at ipinaalam sa kanila ang kanilang mga karapatan sa konstitusyon. Kasunod nito, dinala ang mga suspek sa tanggapan ng PHPT Laguna para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.
Ang tagumpay ng RHPU4A ay bunga ng pinaigting na Anti-Carnapping Operations ng Highway Patrol Group sa ilalim ng Pamumuno ni PBGEN WILLIAM M SEGUN, Alinsunod sa Aggressive Law Enforcement operations ng CPNP laban sa carnapping, highway robbery, at iba pang uri ng kriminalidad sa kahabaan ng highway.
0 Comments