DAMAYAN FILIPINO PARTYLIST (DFP) NAGHAIN NA NG KANILANG COC SA COMELEC.By : Jimmy Mahusay

DAMAYAN FILIPINO PARTYLIST (DFP) NAGHAIN NA NG KANILANG COC SA COMELEC.

By : Jimmy Mahusay

NAGHAIN na ng kanilang certificate of candidacy ang Damayan Filipino Partylist sa pangunguna ng kanilang nominee’s  sa Commission on Elections satellite office sa Manila Hotel Tent 
bilang bahagi ng pagtulak nito para sa mas masinsinang pangangalaga at pagdamay sa Mamamayang Filipino.

Ayon kay 1st Nominee Athenie Ramirez Bautista subok na ang Damayang Filipino sa mga tulong at pagdamay sa mga Pilipino, katunayan aniya noon pang 2008 ng itatag ang Damayang Filipino Movement Inc. at opisyal na nakarehistro sa SEC noong 2013 marami na ang natulungan at nadamayan hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Bulacan Governor Daniel R. Fernando tagapagtatag ng DFMI na isang samahan na nakatuon sa pagbibigay sa mga pangangailangan at hamong kinakaharap ng masa upang maghatid ng ibat-ibang programa at inisyatiba upang itaas hindi lamang ang buhay ng mga bulakenyo kundi ang buong sambayanang Pilipino mula sa tulong pang-edukasyp at misyong pangangalaga sa kalusugan hanggang sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Dagdag pa ng gobernador na ang damayang Pilipino ay patuloy na nagsisikap upang makapaghatid ng makabuluhang pagbabago sa karamihan at tunay na ilaw ng pag-asa at pagkakaisa.

Ang Damayang Filipino Movement ay umani na ng maraming parangal sa pamumuno ng Founder na si Fernando isa rito ang natanggap na “MOST OUTSTANDING COMMUNITY LEADER OF THE YEAR” ng 16th Annual Gawad Amerika noong 2017, “MOST INFLUENTIAL ELECTED OFFICIAL”ng Celebrrity Centre International sa Los Angeles California  taong 2022 at marami pang iba parangal mula ibat-ibang samahan at mga NGO dahil sa sinserong pagtulong at pagdamay sa mga kapus-palad.

Sa puntong ito lalong nakilala ang Damayan Filipino Movement dahil sa lawak ng kanyang natutulongan at nadamayan lalo na sa panahon ng mga kalamidad sa tulong ng mga tagasuporta, kaibigan at pamilya.

Sa ngayon handang handa na umano ang Damayan Filipino Partylist na pumalaot sa mamamayan ng Pilipinas para madamayan sila sa kanilang mga problema sa pangunguna ng kanilang nominado na si Congresswoman Athenie Ramirez Bautista na tumanggap na din ng maraming katibayan ng pagpapahalaga na kinilala ang kanyang walang humpay na pagsisikap at kontribusyon sa ibat-ibang proyekto ng serbisyo sa komunidad.
 
Layon din ng Damayan Filipino Partylist kung papalarin na makapaglikha ng batas para tumangkilik at dumamay sa mamamayang Pilipino. ( Jimmy Mahusay )

Post a Comment

0 Comments