NAGHAIN NG CERTIFICATE OF CANDIDACY ANG GRUPO NG KASALUKUYANG MAYOR NG SAN PEDRO CITY AT MGA KASAMA NITO MAYOR ART MERCADO at VM INA OLIVAREZ By : Rommel Madrigal

NAGHAIN NG CERTIFICATE OF CANDIDACY ANG GRUPO NG KASALUKUYANG MAYOR NG SAN PEDRO CITY AT MGA KASAMA NITO

By : Rommel Madrigal

Hindi magkamayao ang mga suporter sa sigawan, tilian, palakpakan ng dumating sa City hall ang grupo ni Mayor Art Mercado na nag lakad mula sa kanilang tahanan sa Brgy San Antonio San Pedro City, matapos humingi ng basbas sa Diyos sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang service na gawain ng mga Christiano. 

Pinangunahan ng Alkalde ang martsa kasama ang tumatakbong Vice Mayor Ms Divina Olivarez at mga konsehales na mga dati pa ring kasama sa konseho, bagamat ang ilan ay himiwalay na dahil graduate na, ang isa naman ay nais ding maging Vice Mayor sa katauhan naman ni Kon. NiNa Almoro at Board member naman si Kon. Bernadeth Olivarez.

Batay sa mga usap usapan ay wala ng magiging katunggali si Mercado dahil sa ang kanyang dapat kalaban ay isa lamang ang kanilang partido na Lakas NUCD, kayat dahil dito ay nagkausap na umano ang mga namumuno sa kanila na huwag na munang maglaban ito naman umano ay kung masusunod ang kanilang napagkasunduan. 

Subalit habang hindi pa tapos ang nakatakdang filling ay hindi pa rin nakasisiguro kung wala talagang lalabang meyor sapagkat may mga nagsasabi pa ring nagpaplano namang kakasa parin ang dating mayor na si Gng Baby Cataquiz na silang namuno sa mahabang panahon sa naturang lungsod kasama naman umano ang kasalukuyang kapitan ng Brgy San Antonio na si Kapitan Jhun Ynion na dati na ring tumakbong alkalde na hindi rin naman nag wagi.

Nagpaunlak naman ng panayam si mayor mercado kung sakali at papalarin ay ano pa ang kanyang mga plano at prioriting gagawin na halos ay nasabi nya ang mga ito na aasahan ng mga San Pedrense na mapapakinabangan na nila ang mga programang on going sa ngayon lalo na ang bagong hospital.

Ilan lamang sa kanyang nabanggit ang ating nairecord subalit marami pang programa ang kanyang ibinahagi, na kanilang isasagawa sa susunod na termino.

Post a Comment

0 Comments