VM SULIBIT HINDI BINGI HINDI BULAG SA NANGYAYARI SA BAYAN NG LILIW SA LAGUNA By :Kevin Pamatmat

VM SULIBIT HINDI BINGI HINDI BULAG SA NANGYAYARI SA BAYAN NG LILIW SA LAGUNA  

By :Kevin Pamatmat 

LAGUNA-Gagawin ng may pagmamahal na mula sa puso. Ito ang ilan sa binitiwang mensahe ni Hon.Ericson Sulibit ng liliw Laguna.Matapos magsumute ito ng kanyang Certificate of Candidacy bilang Alkalde sa tangapan ng Commission on Election sa kanilang bayan. 

Ayon Kay Sulibit hindi siya bulag upang hindi makita ang maganda at hindi magandang nangyayari sa bayan. At lalong hndi siya bingi upang hindi marinig ang hinaing at iyak ng kanyang mga kababayan. 

Kaya sa pagkakataon ito ang commitment ni Sulibit ay hindi lamang bilang isang pulitiko. Bagkus ang kanyang commitment ay para sa kanyang kababayan, na nagnanais ibalik ang sigla, saya at tunay na pagmamahal na may kasamang pagkalinga na tunay na mararamdaman ng mga liliweño.

Dagdag pa ni Sulibit wala sa kanyang nagpa-atras o pumigil na tumakbong bilang Mayor . Mayroon lamang sa kanila ni incumbent Mayor Ide Monleon ang namagitan upang magsama sa iisang hangarin at magsama sa isang partido. 

Pero inulit nito na ang kanyang hangarin ay para lamang sa kanyang minamahal na bayan .(Kevin Pamatmat )

Post a Comment

0 Comments