MOTORCADE NI SENATOR “TOL” TOLENTINO, MAINIT NA SINAKSIHAN NG MGA BATANG KANKALOO SA SYUDAD NG KALOOKAN. By : Jimmy Mahusay

MOTORCADE NI SENATOR “TOL” TOLENTINO, MAINIT NA SINAKSIHAN NG MGA BATANG KANKALOO SA SYUDAD NG KALOOKAN.

By : Jimmy Mahusay 
SINUYOD ni Senator Francis Tol Tolentino ang ilang bahagi ng syudad ng Kalookan sa isinagawang motorcade nito kahapon Marso 6, 2025 na nagsimula sa mismong City Hall ng Lungsod at nagtapos sa District Office ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan sa Progreso st, Barangay 154 Bagong Barrio Caloocan City.
Unang pinasadahan ng grupo ni “Tol” ang bahagi ng Maypaho, Mabini, Dagat-Dagatan, Samson Road at bahagi ng Bagong Barrio na kung saan maiinit na tinanggap ng mga BATANG KANKALOO ang motorcade ni Senator Tolentino na sinamahan ni Cong. Oca Malapitan at ilang konsehal ng Lungsod.

Lubos ang pasasalamat ni Sen. Tol sa mga opisyal ng Lungsod at kay Cong. Oca at Mayor Along dahil sa mainit na pagsuporta nito sa isinagawang motorcade ng senador.
Samantala nalulungkot si Sen. Tolentino sa panayam ng Media kaugnay sa reaksyon nito sa laganap na Fake News? “ay nakakalungkot yon, nabiktima nga ako noong isang araw di ba!.. so nakakalungkot yon dapat mamonitor din ng Comelec, mamonitor din ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas” Paliwanag ni Tol.

Sa panukalang dapat umano magkaroon ng prangkisa ang mga Bloggers? Paliwanag ni Tol.. “pag-aaralang  mabuti, at mainam na  timbangin sa Freedom of the Press , pero huwag naman abusuhin. (Jimmy Mahusay)

Post a Comment

0 Comments