MEKENI FOOD CORPORATION, PINANGALANANG MARKETING COMPANY OF THE YEAR SA 45TH AGORA AWARDS By : Rommel Madrigal

MEKENI FOOD CORPORATION, PINANGALANANG MARKETING COMPANY OF THE YEAR SA 45TH AGORA AWARDS

By : Rommel Madrigal

Kinilala ang Mekeni Food Corporation bilang Marketing Company of the Year, ang pinakamataas na parangal sa enterprise category, sa ginanap na 45th Agora Awards ng Philippine Marketing Association noong Nobyembre 26, 2026 sa Hilton Manila, Pasay City.
Mula sa simpleng negosyong pampamilya sa Porac, Pampanga, matagumpay na lumago ang Mekeni bilang isang kilalang Filipino food manufacturing company na nagsisilbi sa lokal at pandaigdigang merkado.

Pinangunahan nina Prudencio “Pruds” Garcia at ng kanyang pamilya ang paglalakbay ng kumpanya na nagtagumpay sa kabila ng mga hamon at patuloy na nakapagbibigay ng trabaho at kabuhayan sa mga lokal na komunidad.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng kahalagahan ng sipag, dedikasyon, inobasyon at matatag na pamumuno sa pagpapaunlad ng isang negosyong Pilipino.

**Isang karangalan para sa produktong sariling atin at sa husay ng negosyanteng Pilipino!**

Post a Comment

0 Comments