DSWD, NAGHATID NG AICS SA SANTA ROSA, SA PAMAMAGITAN NI SEN. FRANCIS "TOL" TOLENTINO By : Rommel Madrigal

DSWD, NAGHATID NG AICS SA SANTA ROSA, SA PAMAMAGITAN NI SEN. FRANCIS "TOL" TOLENTINO 


By : Rommel Madrigal 

SANTA ROSA CITY, Laguna – Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan Senator Francis "Tol" Tolentino at ang pamahalaang panlungsod ng Santa Rosa sa Laguna ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa humigit kumulang isang libong resident eng naturang lungsod.

Ibinahagi ni Tolentino ang kanyang programang L.I.T.A.W., na naglalayong tumulong sa mga kababayang nasunugan at hindi nakabayad ng kanilang ilaw at tubig. 

Ayon sa Senador, sasagutin ng DSWD ang kanilang bayarin basta't maipakita nila ang kinakailangang pruweba ng nasunog na mga ari-arian.

Maliban dito, muling ipinahayag ng senador ang kanyang matinding pagkondena sa sigalot sa West Philippine Sea at ibinahagi rin ang kanyang mga planong programa at proyekto para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Ayon kay Senador Tolentino, malaking tulong ang pinansyal na ayuda para sa mga mahihirap na pamilya, kaya ito ang kanilang pinagtutuunan ng pansin, kahit papaano ang madagdagan ang kanilang pangangailangan.
 
Sa pamamagitan naman ni Congw. Ruth M. Hernandez ay nadala ang programa sa Santa Rosa kayat pinuri ni Sen Tolentino ang Congresswoman sa kanyang patuloy na pagsisikap upang maihatid ang mga serbisyong kinakailangan ng kanilang nasasakupan. 

Nagpasalamat din ang senador sa mga local officials ng Santa Rosa dahil patuloy ang kanilang pagbibigay ng giya sa mga mahihirap na residente upang matulungang makabangon sa kahirapan. 

Maging ang  kasalukuyang Board Member ng unang Distrito ng Laguna na si Atty. JM Carait ay sumuporta sa programang matagumpay na natapos. (ROMMEL MAGRIGAL)

Post a Comment

0 Comments