LAGUNA HERITAGE PHOTOWALK TOUR IBINIDA NG MPT SOUTH By : Rommel Madrigal

LAGUNA HERITAGE PHOTOWALK TOUR IBINIDA NG MPT SOUTH By : Rommel Madrigal


MATAGUMPAY- na inilunsad ang kauna-unahang Biyaheng South’s “Discover Laguna: A Heritage Photo Walk Tour” sa mga lungsod ng Biñan at Sta. Rosa, ng Metro Pacitic Tollways Sourth (MPT South), sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government – Laguna (DILG Laguna), Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office (LTCATO), Biñan City Culture, History, Arts, and Tourism Office (BCHATO), at Sta. Rosa Tourism Office (SRTO) ang kauna-unahang Biyaheng South’s “Discover Laguna: A Heritage Photo Walk Tour” sa mga lungsod ng Biñan at Sta. Rosa. 

Ang ‘Biyaheng South’ ay nag-imbita ng mga photo enthusiasts at ilang media partners para makiisa sa Photo Walk Tour. Nagsimula ito sa Biñan, kung saan nagkaroon muna ng isang quick tour sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) mula Mamplasan hanggang Silang-Aguinaldo exit, upangmai-highlight itobilangisang green expressway, nanagpapakita ng pagiging self-sustaining nito. 
Pagkatapos nito ay tumungo na ang grupo sa Biñan Esplanade, ang baybaying lawa ng bayan kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na masilayan ang Hispanic-inspired coastal architecture at ang makapigil-hiningang Laguna Lake, ang pinakamalaking lawa sa bansa. 
Pagdating naman sa población ng Biñan, nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na makita at makuhaan ng litrato ang isa sa mahahalagang yamang kultura ng bayan, ang Alberto Mansion, ang bahay ng pamilya ni Teodora Alonzo, ang ina ng pambansangbayaninasi Dr. Jose Rizal. Nagkaroon din ng pagkakataon ang lahat namatutosamgabakas ng lahini Dr. Rizal nanakaukitsa bayan ng Biñan. 

Sa Sta. Rosa,  ay nagturo ang local tourism officer ng lungsod ng mga kamangha-manghang kasaysayan ng bayan na makikita sa museo, sa daang-taong simbahan ng bayan, ang Sta. Rosa de Lima Parish Church na itinayo pa noong 1792; ang kahanga-hangang Spanish at American na mga tahanan sa Zavalla street na nakadadagdag sa kahulugang pangkasaysayan nito; at ang bantog na pook at pagkakakilanlan ng Sta. Rosa, ang Sta. Rosa Arch. 
Ang mga photo enthusiast na lumahok sa pagtitipon ay nagbahagi rin ng kanilang pinaka magagandang litrato na nakunan sa dalawang lungsod. 
Ito ay masusingpinili ng mgahuradomulasa MPT South at mgakasamahansaiba’t-ibangahensya ng gobyerno. Sa huli, ang mgahurado ay pinili ang mgalitratoni Bb. Sarah Lou Bernardino, nanakakuha ng pinakamataas na iskor sa mga nakunan nilang litrato sa mga lungsod ng Biñan at Sta. Rosa. 
“Ang heritage photo walk tour ay sumisimbolo sa dedikasyon ng MPT South na pagyabungin ang kamalayan sa ating kasaysayan at pahalagahan ito para sa ikakabuti ng ating araw-araw na pagsusumikap sa buhay,” saad ni Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South. 
Ang MPT South ay magpapatuloy na maging daan sa pagpapahalaga sa mga yamang kasaysayan at hikayatin ang lahat na napakagandang dahilan nito,” dagdag pa ni Capistrano. 
TungkolsaBiyaheng South 
Ang Biyaheng South ay ang award-winning tourism advocacy program ng MPT South, na namamayagpag saTiktok, Facebook, at Instagram. Ito ay laang programa para sa pagsulong ng cultural heritage, diverse tourist destinations, at kakaibang experience sa Region IV-A at NCR, lalo na sa mga lugar na abot ng expressways.

Post a Comment

0 Comments