QUEZON MEDALYA NG KAGALINGAN AWARD, INILUNSAD BILANG PARANGAL KAY DATING PRESIDENT MANUEL L. QUEZON By : Felix Tambongco

QUEZON MEDALYA NG KAGALINGAN AWARD, INILUNSAD BILANG PARANGAL KAY DATING PRESIDENT MANUEL L. QUEZON By : Felix Tambongco 


BILANG pagpapahalaga sa buhay at mga nagawa ni Pangulong Manuel Luis Quezon, Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang "Quezon Medalya ng Karangalan" (OMK).

Pitong natatanging indibidwal ang napili upang tumanggap ng kauna-unahang 'Quezon Medalya ng Karangalan.

Ang 'Quezon Medalya ng Karangalan (“QMK”) Awards' ipagkakaloob upang gunitain anb buhay at gawa ng yumaong Pangulong Manuel Luis Quezon.
Kabilang sa tumanggap ng karangalan sina NILO BELARMINO ALCALA II ng Lucena City para sa Culture, Music, and the Arts; retired PGEN DIONARDO B. CARLOS , Lucena City - Public Service ; GEN. DENNIS GAMASAN ESTRELLA - Gumaca - Public Service .
Habang sa Special Achievement award ay sina CRIS NIEVAREZ - Atimonan - Sports; JEFFREY D. DIMAILIG - Education ; DR. MARCO ANTONIO RODAS - Atimonan - Culture, Music, and the Arts at GREGORIO I. RACELIS - Education

Ang nabanggit na karangalan ay ibinibigay sa mga indibidwal na nagbigay ng natatanging ambag sa Public Services; Health and Science; Humanities and Philanthropy; Agriculture; Environment; Education; Sports; atCulture, Music, and the Arts.
Ang Quezon Gintong Medalya ng Karangalan Life Achievement Award ay ipinagkakaloob sa isang indibidwal na nagpakita ng natatanging katangian at kabutihan ng dating Pangulong kabilang dito ang katapatan sa bansa, patriotismo kabayanihan, katapangan, masunurin sa batas, katapatan at pagkamakatotohanan, naniniwala sa katarungang panlipunan. 

Ang Quezon ng Medalya ay isang award-giving body na responsable sa malalimang pagsasala ng mga nominado para sa QUEZON MEDALYA NG KARANGALAN AWARD . (FELIX TAMBONGCO)

Post a Comment

0 Comments