MAKABAGONG HALALAN PARA SA MAKABAGONG PILIPINO PINAG-USAPAN SA ISINAGAWANG KAPIHAN SA BAGONG PILIPINAS SA CALABARZON. By : Rommel Madrigal

MAKABAGONG HALALAN PARA SA MAKABAGONG PILIPINO PINAG-USAPAN SA ISINAGAWANG KAPIHAN SA BAGONG  PILIPINAS SA CALABARZON

By : Rommel Madrigal 
Ibinahagi ni COMELEC IV-A Assistant Regional Election Director Atty. Margaret Joyce M. Reyes-Cortez ang mga alituntunin at programa ng Komisyon para sa pagdaraos ng malinis at tapat na halalan at mga impormasyon para sa May 12, 2025 National and Local Elections.

Itoy idinaos sa isinagawang Kapihan sa Bagong Pilipinas kasama ang Comelec Region IV-A Southern Tagalog - Calabarzon nitong Biyernes, Nobyembre 8, na ginanap sa bisinidad ng Binan City. Sa Laguna.
Sa question and answer ay ipinahayag ni Atty Reyes Cortez  ang mga kasagutan na nasabi rin niya na nananatili ang rehiyon ng Calabarzon na may pinaka-maraming rehistradong botante sa bansa na umabot na sa 9,764,170 registered voters. Higit 1 milyon sa bilang na ito ang mga tinaguriang ‘first-time voters’ o mga unang beses pa lamang boboto para sa 2025 NLE.
Naging sentro ng Kapihan ang bagong sistemang gagamitin sa halalan na Full Automation System with Transparency and Audit/Count (FASTrAC) kung saan ipinaliwanag ng COMELEC IV-A ang Salient Features nito gaya ng paggamit ng Automated Counting Machines (ACM), Online Voting and Counting System (OVCS) para sa Absentee Overseas Voting, at Secure Electronic Transmission Services (SETS).
Muli namang ipinaalala ng COMELEC ang mga ipinagbabawal gawin ng mga botante at pulitiko sa pagsisimula ng election period sa Enero 12, 2025 hanggang Hunyo 11, 2025.
Binigyang-diin ni ARED Reyes-Cortez na sagrado ang boto ng bawat Pilipino, kaya’t paiigtingin ng Komisyon ang voters’ education campaigns at pagdaraos ng mga roadshow sa iba't ibang bahagi ng rehiyon upang maipakita ang tapat na paghahanda sa halalan, at upang magabayan ang mga botante sa pagpili ng mga karapat-dapat na lider para sa ikauunlad ng bansa at ng mga komunidad.

Post a Comment

0 Comments