By : Felix Tambongco
Sa Isang privilege speech ni Tulfo, sinabi nito na ang pangunahing layunin ng PRTL ay upang patatagin ang suplay ng bigas at maiwasan ang pagtaas ng presyo.
Subalit ang nakikita umano niya ay ang lumalalang pagkakaiba- iba sa pagitan ng local demand at ang presyo na abot kaya ng ordinaryong pilipino sa Kabila ng pagbawas ng taripa ng presidente noong July, ang presyo ng imported rice ay nananatiling P50 hangang P60 per kilo sa pamilihan.
Sinabi pa ni Tulfo an ang layunin ng Malakanyang na bawasan ang taripa ay upang maging abot kaya ang bigas sa P42 hanggang P45 per kilo, subalit hindi naman umano mapakinabangan ng publiko ang rice tariff reduction.
Kung mayroon man umanong nakinabang sa mababang taripa ng bigas subalit hindi ang publiko.
Patunay aniya ito na kung aasa lamang sa private sector importation ay hindi matutugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
Ang panukalang amyenda ni Tulfo ay payagan ang government importation ng bigas upang magkaroon ng kumpetensya sa existing private imports, tulad ng National Food Authority noon, ngayon lamang nangyari na ang government imported rice ay ipinamahagi lamang sa pamamagitan ng lisensyadong Kadiwa outlets nationwide.
Kadiwa outlets,
affordable source of rice.
Sa pagbibigay kapangyarihan umano sa Department of Agriculture na mag import ng bigas, nakakalikha ng balanse sa pamilihan na ang presyo ay sumasalamin sa pangangailangan ng mamimili at ilimita ang hindi nararapat na pagtaas ng presyo.
Mas magpapalakas din nito ang gobyerno na mapatatag ang presyo na ang mga ordinaryong mamamayan ay hindi naiiwang mahina sa pagbaba at taas ng presyo, hoarding, at pagkita ng iilan.
.
Kaalinsabay nitoy umapila sa Tulfo sa kanyang mga kasamahan na inonsisera ang kanyang panukalang amyenda.
0 Comments