MASS INDUCTION AND LEADERSHIP TRAINING SEMINAR 2024 NG 3500 NA MGA ESTUDYANTE SA CALOOCAN CITY, PINANGUNAHAN Ni Sen. ‘Tol’ TOLENTINO. By : Jimmy Mahusay

MASS INDUCTION AND LEADERSHIP TRAINING SEMINAR 2024 NG 3500 NA MGA ESTUDYANTE SA CALOOCAN CITY, PINANGUNAHAN Ni Sen. ‘Tol’ TOLENTINO.
By : Jimmy Mahusay

PINANGUNAHAN ni Senate Majority Leader Francis “ Tol “ Tolentino ang Mass Induction and Leadership Training Seminar 2024 sa 3,500 na mga estudyante mula sa ibat-ibang School Universities sa Syudad ng Kalookan na ginanap sa Caloocan City Sports Complex November 15, 2024. 

   
Sa mensahe  ni Tolentino, binigyan diin nito ang kahalagahan ng  pag-aaral ng isang tao, kaya hinikayat nito ang libong estudyante na lalo pang pagbutihin nila ang pag-aaral.
 
Ipinagmalaki rin ng Senador ang dalawang batas na siya mismo ang “Author’ na dapat malaman at maintindihan ang kahalagahan sa buhay ng mga Pilipino, ang Maritime Zones Law at Achipelagic Sea  Acts  ito aniya ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng titulo sa West Phil Sea, na kahit anong gawin nila ay hindi nila maaagaw ang WPS.   

 
Pinuri din ni Senador Tol ang LGU ng Pamahalaang Lokal ng Kalookan sa pamumuno ni Mayor Along at Cong. Oca Malapitan dahil sa kanilang patuloy na pagpupursige para makapaghatid ng serbisyong edukasyon sa mga Batang Kanakaloo.
Naroon din ang presensya ni Dating DILG Sec. Atty. Benhur Abalos Jr, Las Piñas Rep. Camille Villar na nagpaabot din ng kanilang pakikiisa.
 
Sa panayam ng media kay Tolentino kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea WPS, wala naman umanong panghaharas maliban sa pinatawag ng china ang Ambassador ng pilipinas, kaya inatasan din nito ang DFA na ipatawag din ang Ambasador ng China sa Pilipinas.
  
Ibinahagi rin ng senador sa panayam na ngayong araw din ay papalitan ang pinuno ng Philppine Navy, kanya ring binanggit sa panayam ang kaugnay sa abiso ng PAGASA na dapat simplehan lang aniya, “hindi kailangang pang pahirapan ang publiko para sa mga advisory tulad ng:  orange rainfall, intertropical convergence zone (ITCZ) kung kailangang sabihin sa oras na ganito ay bubuhos ang sampung drum ng ulan, dapat mas simple para maiwasan natin ang confusion at maraming buhay ang mailigtas”. Pagtatapos ng senador.  (JIMMY MAHUSAY)

Post a Comment

0 Comments