By :Felix Tambongco
PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang kongresista ang pagguho ng bagong retrofitted Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela na ikinasugat ng 8 katao.
Ayon kina 21 ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, nakakaalarma umano na ang isang P1.22 billion bridge na kakaretrofit lang noong February 1 ay gumuho kaagad. Kailangang silipin umano ang posibilidad ng corruption at kung substandard materials.
Ang nasabing tulay ay ginawa sa loob ng Isang dekada subalit gumuho matapos na dumaan angbisang dump truck na naglalaman ng mahigit 100 toneladang bato sa Kabila na ang Weight limit nito ay 40tonelada lamang
Sa Kasalukuyan ay nakapokus ang imbestigasyon sa flagman na pumayag na padaanin ang overloaded truck, subalit ayon sa kongresista kailangang tingnan din ang kalidad ng materyales na ginamit at tingnan din ang posibleng kurapsyon sa procurement at construction process.
Pinaiimbestigahan din ng mga kongresista ang RD Interior Jr. Construction at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang madetermina ang kanilang pananagutan.
Pinuri naman ng mga kongresista ang pahayag ng Malakanyang na may ilong gugulong subalit dapat umano na maging independent at transparent ang imbestigasyon
Hiniling din ng mga ito ang pagsasagawa ng agarang safety inspections sa lahat ng kahalintulad na estruktura lalo na ang ginawa ng parehong contractor upang maiwasan ang kahalintulad na insidente at matiyak ang kaligtasan ng publiko.
0 Comments