By : Ruel Tarayao
Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa mahigit P700k "kush" marijuana na tangkang ipuslit sa Clark, Pampanga.
Sa report, nadiskubre ang mga kontrabando na nakasiksik umano sa isang kargamento na naka-deklarang garments na nagmula sa ibang bansa.
Nagduda ang mga otoridad sa nakitang imahe ng kargamento na idinaan sa x-ray machine, kung saan sa tulong ng k-9 sniffing dog ng PDEA at aktwal na eksaminasyon ng kargamento tumambad ang isang pouch na naglalaman ng "kush" high grade marijuana.
Batay sa ulat dumating Costom official, sa Clark ang kargamento nitong nakaraang October 11, 2024 mula sa hindi tinukoy na bansa.
Agad naglabas ng warrant of seizure and detention ang customs laban sa kargamento kaugnay sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act na may kinalaman sa Dangerous Drug Law.
0 Comments