P10 M NA TINANGGAP NI PAQUIAO MULA SA ISANG INVESTMENT FIRM SA HINDI NATULOY NA PROYEKTO, PINAREREFUND.
By Felix Tambongco
PINAREREFUND ng Isang investment firm Kay Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao ang tinanggap nitong P10 million professional fee na para sana sa biofilm ng national hero na si General Miguel Malvar.
Ang Kamura Farm Ventures Holdings Inc. sa pamamagitan ni Jewel C. Castro ay pumasok sa Isang movie production agreement sa JMV Film Productions, Actors' Guild, Dream Wings Production at Pacquiao noong October 2019.
Sa Isang liham ng Samson & Associates Law Office na kunakatawan kay Castro ng Kamura Ventures, sinabi nito na ang senador at kilalang boxing champ ay babayaran ng P10 million upang gumanap bilang Gen. Malvar.
Si Castro ay nag invest ng P10 million sa JMV Film Production sa pag-asa na ang biopic ay kita ng higit pa sa doble ng halaga ng Kapital
Subalit hindi umano nag materialize subalit tinanggap na umano ni Pacquiao ang naturang halaga.
Isinasaad rin sa liham ng Samson & Associates Law Office na hinihiling nila Kay Pacquiao na irefund ang lahat ng pera na tinanggap mula sa Kamura na kinakatawan ni Jewel C. Castro na siyang producer at financer ng the movie production.
Pinayuhan din ng law firm si Pacquiao na nakipag-ugnayan sa law firm o direktang makipag-usap kay Castro.
0 Comments