DRUG DEN NI-RAID, 4 ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS NG PDEA SA PAMPANGA. By : Roel Tarayao

DRUG DEN NI-RAID, 4 ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS NG PDEA SA PAMPANGA.


By : Roel Tarayao

Arestado ang apat na drug suspek at masamsam ang nasa mahigit P80k na suspected shabu matapos salakayin ng ng mga otoridad ang umano'y isang drug den sa ikinasang anti-illegal drug operations ng PDEA sa Barangay Dapdap, Mabalacat City, Pampanga.
Kinilala ang suspek na operator ng drug den na si alyas "Batik", 42 anyos at tatlo pang iba na kasabwat nito na sina: alyas "Utoy, Gerald at isa pang alyas "Rachelle". 

Nakumpiska sa mga suspek ang sampung pakete ng suspected shabu, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buybust. 

Nahaharap na ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 na may kaugnayan sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Post a Comment

0 Comments