PAGTALAKAY NG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS BUDGET, TINERMINATE NA NG KOMITE, DAGDAG BUDGET, INIHIRIT. By : Felix Tambongco
TINERMINATE na ng House Appropriations Committee sa House of Representatives ang panukalang 2025 budget ng Commission on Human Rights at mga attached agency nito.
Ang budget ng CHR sa inaprubahang National Expenditure Program ay umaabot sa 1.109 mas mababa ito ng mahigit 38 porsyento sa kanilang proposal na 1.799 Bilyon
Sa pagdinig ng komite, aminado ang CHR na malaki ang epekto sa kanila ng ginawang pagbabawas sa kanilang 2025 budget, hindi lamang sa operation kundi mababawasan din ang bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao na kanilang matutulungan.
Kung sa Kasalukuyan umano ay nasa 10 libo ang kanilang matutulungan na biktima ng paglabag sa karapatang pantao, baka maging 6 na libo na lamang ang kanilang matulungan.
Lumabas din sa pagdinig na nasa 200 ang kulang na personnel ng ahensya at kulang din ng Isang Commissioner.
Isa sa itinuturong dahilan kung bakit hindi mapunan ang posisyon ay dahil sa mataas na criteria.
Samantala, nangako naman ang ilang miyembro ng komite na kanilang susuportahan ang jirit na karagdagang budget ng CHR.
0 Comments