By : Rommel Madrigal
Bawat barangay sa lungsod ng San Pedro ay grupo grupong dumudulog sa tanggapan ng local na pamahalaan kasama ang kanilang mga opisyal ng Brgy. Para silang magpatunay na biktima ang mga ito upang alam din ng barangay kung talagang dapat na tulungan.
Nasaksihan ng DZRJ team ang grupong ito na may tatlong pamilya mula sa Brgy. United Bayanihan kasama ang kanilang Brgy. Chairman Hon. Calixtro Alviar at Kagawad Cesar Avila na sinamahan sa tanggapn ni San Pedro City Mayor Art Joseph Mercado na kaagad namang binigyan ng tulong pinansyal.
Ang nasabing pamilya ay hindi pa makabalik sa kanilang tahanan sapagkat batay sa report ng mga barangay opisyal ay unti unti ng gumuguho ang kinatatayuan ng kanilang tahanan sapagkat lumalambot ang lupa.
Nagpasalamat naman ang bawat lumalapit sa tanggapan ng alkalde na ayon sa kanila ay hindi ka talaga umano mapapahiya sapagkat walang hindi sa kanilang mayor lahat ay tinutulungan basta nangangailangan.
0 Comments