Kasabay ng Ika-48 Anibersaryo ng CWD sa Calamba, Laguna ay Dumalo si Mayor Roseller H. Rizal sa pasinaya ng bagong Septage Treatment Plant ng Calamba Water District (CWD) na matatagpuan sa Barangay Palo Alto, Lungsod ng Calamba, kamakailan lamang.
Ang layunin ng planta ay matugunan ang pangangailangan ng mga concessionaires ng CWD, lalo na sa murang halaga ng pagsipsip ng baradong septic tank.
Ayon kay General Manager Jhun Aguilar, "Ang serbisyong ito ay sipsip poso negro para sa kalinisan at kaayusan ng yamang tubig ng Calamba, at kung nais na malaman ang mahalagang impormasyon kaugnay sa serbisyo ay makipag-ugnayan lang sa kanilang tanggapan upang malaman kung paano makaka-avail ng serbisyo.
Dagdag pa ni GM Aguilar, ang serbisyo ay may nakapirming halaga na isasama na ito sa buwanang bayarin sa tubig bilang septage fee.
Pinuri naman ni Mayor Rizal ang pamunuan ng CWD, sa pangunguna ni GM Jhun Aguilar, pati na ang Board of Directors, sa kanilang patuloy na serbisyong iniaalay sa mga concessionaires ng CWD.
Ayon sa alkalde, isa sa mga pangunahing suliranin ng mga residente ay ang pagpapasipsip ng kanilang poso negro, at malaking tulong ang proyektong ito.
0 Comments