By : Rommel Madrigal
Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang proyektong BAYANIHAN: Search for the Best Community Garden in Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist at ng Office of the City Mayor ng lungsod.
Layon ng nasabing programa na makatulong sa pagbibigay solusyon sa isyu ng food insecurity at malnutirsyon sa pamamagitan community collaboration para sa paggamit ng urban farming at community gardens sa bawat barangay sa Carmona.
Ang naturang proyekto ay lalahukan ng iba’t-ibang Homeowner’s Associations sa Carmona, at mga nag nanais na matuto kung paano ang proseso ng urban gardening.
Sa ginawang Launching ng nasabing proyekto ay nagsagawa ng Lectures para sa Urban Gardening sa pangunguna nina Raymond Mapanoo at Edwin Cortez ng Office of the City Agriculturist. At Isinagawa rin dito ang Turnover ng mga Gardening Materials para sa mga lalahok sa nasabing proyekto.
0 Comments