Lumabas sa lungga si Pastor Apollo Quiboloy at 4 na kapwa nito akusado ng paikutan ng 1,000 miyembro ng Special Action Force (SAF) at Special Weapon and Tactics o (SWAT) ang kinaroroonan nitong Bible School sa KOJC compound sa Davao City.
Ito ang sinabi sa press briefing sa kampo krame, ni PRO11-Regional director P/BGen. Nicolas Torre lll.
Dagdag ni DILG-Sec. Benhur Abalos Jr., naging break kina Torre ang paglutang nang mga testigo at isiniwalat ang kinaroroonan ni Quiboloy.
Ani Torre, itinakda ang assault team ala una noong linggo, ngunit nakataggap ito ng surrender feelers mula sa kampo ni Quiboloy.
Ayon kay Torre, agad itong pinagbigyan at nagkaroon ng negosasyon para maiwasang dumanak ng dugo.
0 Comments