By : Melvin Narez
HINDI pa man tumatakbo bilang Isang Partylist ang Pamilya ko Partylist (PKP) ay matagal na itong tumutulong sa mga mamamayan ng Tanay.
Ito ang tinuran ni Ate Rowena Dala, chairperson ng PKP Tanay Chapter sa panayam ng mga mamamahayag matapos na mag- house to house ang sina Atty Anel Diaz ng PKP sa Barangay Sampaloc kasama ang Team 1 Tanay sa pangunguna ni Mayoralty candidate Engr. Carlos Inofre.
Ayon Kay Dala, da Rizal ginawa ang kaunaunahanh orientation ng PKP na foundation pa noon at dati na ting tumutulong sa kanila at siya bilang Isang miyembro ng LOVABLES naniniwala siya na kumpara sa ibang Partylist mas malaki ang maitutulong ng PKP.
Sinabi naman ni Mayoralty Candidate Engr. Inofre na nagustuhan niya ang PKP dahil napakaganda ng adbokasiya na nakatutok hindi lamang sa ordinaryong pamilya at napakaganda kung ang sektor ng modernong pamilya ay magkaroon ng kinataean sa kongreso.
Samantala, tinuran ni Atty. Anel Diaz na sa kanilang patuloy na pag-iikot, kalusugan ang pangunahing problema na idinadaing na mamamayan kaya ngat tututukan nila ang programang pangkalusugan, hanapbuhay at isusulong na mapondohan ng nasyunal na pamahalaan ang benepisyo para sa mga solo parents na kadalasang nagkakasya na lamang sa kung ano ang kayang Ibigay ng lokal na pamahalaan.(MELVIN NAREZ)
0 Comments