CONTRACT FARMING PROGRAM, MAGPAPATAAS NG KITA SA MGA MAGSASAKA SA CALABARZON

CONTRACT FARMING PROGRAM, MAGPAPATAAS NG KITA SA MGA MAGSASAKA SA CALABARZON

Inilunsad ng National Irrigation Administration Laguna-Rizal Irrigation Management Office (LRIMO) ang Rice Contract Farming Program na layong mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka at tumugon sa food security program ng bansa.
HON.MA. ROCELLE CAROLINO
MAYOR STA MARIA LAGUNA

Sa idinaos na ceremonial launching at Memorandum of Agreement (MOA) signing para sa Rice Contract Farming sa pagitan ng NIA LRIMO at SANTAMASI Irrigators Association (IA) sa Sta. Maria, Laguna, napagkasunduan ang paggawad ng P50,000 kada ektarya para sa pagtataniman ng mga magsasaka bilang tulong sa kanila mula sa preparasyon, pagtatanim, hanggang sa pag-ani.
Inaasahang makakapagpataas ito ng produksyon ng mga magsasaka dahil sa tiyak na kita na maaaring magamit sa pagbili ng mga binhi, pataba, at iba pang gastos sa pagsasaka tulad ng land preparation.
 
Nakatakda ring bilhin ng pamahalaan ang ilan sa mga aanihing palay na ipinagbebenta sa P29 Rice Program ng Department of Agriculture at sa mga KADIWA centers.
Ayon sa NIA, 87 ektaryang palayan sa Sta Maria na napapatubigan ng Sta. Maria River Irrigation System (RIS) ang inisyal na kasama sa pilot program, at makakatulong sa 46 na mga magsasakang miyembro ng SANTAMASI IA. 

Bukod sa MOA signing, ipinagkaloob din ng NIA ang higit 88 sako ng seeds, 616 sako ng pataba, 176 litro ng insecticide, 88 litro ng herbicide, 264 kilo ng molluscides, at 6,976 sako ng palay.
ibinalita naman ni NIA Calabarzon Regional Manager Engr. Roberto dela Cruz na balak pa nilang dagdagan ang mga palayang sakop ng Contract Farming Program sa susunod na taon dahil sa magandang resulta at positibong reaksyon dito ng mga magsasaka at lokal na pamahalaan.

Ang bayan ng Santa Maria ang tinaguriang Rice Granary of Laguna, kung saan nananatiling pangunahing industriya ang pagsasaka ng palay. (ROMMEL MADRIGAL)

Post a Comment

0 Comments