MOST WANTED NG CALABARZON NAARESTO NG TRECE MARTIREZ CITY CAVITE POLICE



CALABARZON MOST WANTED PERSON - ARESTADO SA TRECE MARTIREZ CITY, CAVITE 

CAMP BGEN PANTALEON GARCIA IMUS, Cavite— Sa inilunsad na operasyon ng Warrant Section ng Trece Martires Component City Police Station noong Agosto 14, 2024, naaresto ang isang lalaki na kasama sa mga most wanted person ng Calabarzon sa kasong pagpatay o murder. 

Sa ulat ni PLTCOL MICHAEL D BATOCTOY, OIC Trece Martires CCPS, matapos ang ilang buwang pagtatago sa batas ay  nahuli ang isa sa Calabarzon most wanted person na kinilalang si alias “Carlito" 67 taong gulang, lalaki at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. 152, 611 Apelo Cruz Malibay, Pasay City.

Ang ilang buwang  coordination o case build-up ay nag resulta sa pagkakahuli kay alias "Carlito" sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case Number TMCR-271-15 na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 23, Trece Martires City Cavite na walang kaukulang  piyansa.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni PCOL ELEUTERIO M RICARDO JR., Provincial Director, ang  masusing pagtugon ng Cavite PNP sa pagtugis sa mga taong nagtatago sa batas. Ayon kay PD Ricardo Jr., “Tuloy-tuloy ang kampanya ng kapulisan sa Cavite upang mahuli at tuluyang mapanagot ang mga taong nagtatago sa batas, sa ganun ay ating maibigay ang nararapat na hustisya sa kanilang mga naging biktima. Dahil sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka," dagdag pa niya. (PPO CAVITE)


Post a Comment

0 Comments