VP SARAH DUTERTE KINATUWA ANG BAGONG MEDICAL CENTER PARA SA MGA SPECIAL CHILD SA DAVAO CITY.
Labis na kinatuwa ni vice president Inday Sarah Duterte ang mga nakita nito matapos na dumalo sa inagurasyon ng Child and Adolescent Neurodevelopmental Center (CANDEV) sa isang ospital sa Davao City.
Ayon kay VP Duterte na Habang pinagmamasdan nita ang pasilidad, labis niyang kinatuwa ang ganda nito, ngunit higit sa lahat— ang tulong at bagong pag-asa na maibibigay nito para sa lahat ng mga batang may espesyal na pangangailangan.
Sinabi pa ni VP Sarah Duterte na napakahalaga ng pagpapatayo ng ganitong uri ng pasilidad para sa lahat ng mga Pilipinong nangangailangan.
taos-pusong nagpapasalamat naman si VP Sarah sa serbisyo ng mga doktor, occupational therapist, speech therapist — sa hindi matatawarang serbisyo para sa mamayan
Umapila naman si Sarah sa publiko na patuloy na isulong ang pagmamahal at pantay-pantay na pagtanggap. (JONG MANLAPAZ)
0 Comments