MGA MANGGAGAWA NG TREASURE MOUNTAIN, NAGPAPASAKLOLO NA SA PAMAHALAAN, MATAPOS NA IPATIGIL ANG OPERASYON.
NAGPAPASAKLOLO ngayon ang mga manggagawang nawalan ng trabaho makaraang ipasarado ng lokal na pamahalaan Municipality of Tanay, Rizal at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Treasure Mountain Camp Site sa Barangay Cuyambay Tanay Rizal.
Ang pagpapasarado ay sa bisa ng Isang closure order na nagsasaad na ang Camp site ay lumabag sa Internal Revenue Code ng Tanay, Zoning Ordinance, E-Nipas Act at National Building Code.
Ayon Kay Aleng Meliza San Jose, mula pa lamang noong 2017 ay nag-aapply na ang Treasure Mountain ng permit at kumpleto naman umano ang mga dokumento kaya ngat labis nilang ipinagtataka kung bakit hindi ito nabibigyan ng business permit
Noong July 17, 2024 nagsagawa ng raid ang NBI dahil sa naturang alegasyon at sumunod ay naiserve ang temporary closure ng lokal na.pamahalaan at ng mga tauhan ng DENR.
Sa naturang raid matinding trauma umano ang inabot ng mga tauhan ng Treasure Mountain mula sa NBI raiding team, Ilan sa kanila ang pinosasan at kinulong sa NBI Region 4A, makaraay pinalaya rin, ang iba naman hanggang ngayon ay may trauma pa dahil sa nangyaring raid.
Samantala, dahil sa pagkakatigil ng trabaho ng mga empleyado ng Camp Site, ay umaapila na sa kinauukulan na sana ay matulungan sila sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan at muling hayaan ang camp site na makapag,-operate
Kaugnay nitoy planong maghain ng Temporary Restraining Order ang pangasiwaan ng Treasure Mountain kaugnay sa nangyaring pagpapasarado.
Una na ring naghain ng ibat-ibang kaso sa Ombudsman ang pangasiwaan TM ng laban sa mga lokal na opisyal sa Tanay Rizal.
(FELIX TAMBONGCO)
0 Comments