PINOY AKO PARTY LIST SUMUMPA NA TUTULONGAN ANG MGA INDIGENOUS PEOPLE'S SA KANILANG IPINAALALABAN By : Felix Tambongco

PINOY AKO PARTY LIST 
SUMUMPA NA TUTULONGAN ANG MGA INDIGENOUS PEOPLE'S SA KANILANG IPINAALALABAN  

By : Felix Tambongco 
Sa panayam kay Pinoy Ako partylist 3rd nominee Atty. Gil Valera,  sa ginanap na medical mission sa Capas Tarlac, sinabi nito na matagal na ang 3 taon para makuha ang certificate of ancestral domain and title (CADT), subalit kafalasan lampas 3 taon na ay hindi pa rin nagbibigay ang CADT.
Ayon Kay Valera na dahil siya ay land lawyer, maglulupang abogado, nakita Niya na ang pag aaplay ng certificate of ancestral domain titles (CADTs) karamihan ay inaaabot na ng siyam siyam.

Idinagdag pa nito na ang mga lupang ninuno ay kadalasang napunta sa mga landgrabber, kaya ngat ipapanukala ng Pinoy Ako partylist ang paglikha ng mahigpit na implementasyon at malalang parusa sa mga lumalabag sa  Indigenous Peoples' Rights Act of 1997 (IPRA).
Ayon pa kay Valera, kapag hindi inaksyunan agad ng Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture, a Department of Environment and Natural Resources ang Pag iisyu ng CADT sa loob ng 3 taon pwede nilang ihabla sa Ombudsman dahil sa kapabayaan.

Para naman Kay Indigenous People's Mandatory Representative Victor Valantin, Isang katutubong  Aeta, malaki ang maitutulong sa kanila ng simulation ng Pinoy ako Partylist.
Pinasalamatan din nito ang medical mission ng Pinoy Ako partylist na ayon sa kanya ay malaking tulong para sa kanyang mga katribu.

Sa naturang medical mission, umaabot sa 200 families ng Aeta ang nakinabang ng free medical checkup, Libreng gamot, namahagi rin ng 300 pakete ng tig 5 kilong bigas at nabigyan ng pananghalian ng Pinoy Ako partylist.

Samantala, idinagdag pa ni Atty. Valera na sakali ataupo bilang kinatawan ng Pinoy Ako partylist, titiyakin niya na ang kasalukuyang 3 porsyento na tinatasa ng IP mula sa share sa  extraction ng mineral resources batay sa isinasaad ng Section 57 of the IPRA Law, isusulong niya na gawin ito g 20 porsyento.

Post a Comment

0 Comments