P20.9M HALAGA NG SHABU NASAMSAM NG QUEZON POLICE SA 2 HIGH-VALUE DRUG SUSPECTS By : Rommel Madrigal

P20.9M HALAGA NG SHABU  NASAMSAM  NG QUEZON POLICE SA 2 HIGH-VALUE DRUG SUSPECTS 

By : Rommel Madrigal

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Sariaya Municipal Police Station ang dalawang high-value individual (HVIs) na nagresulta sa pagkakumpiska ng hinihinalang shabu na may  street value na Php 20,910,000.00 sa isinagawang buy-bust operation, sa Barangay Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon. 
Kinilala ni PBGen Paul Kenneth T Lucas, Regional Director ng PRO CALABARZON ang mga naarestong suspek na sina alyas “Chan-Chan,” 26 na taong gulang, at alyas “Michael,” 29, kapwa residente ng Barangay Malabanban sa Candelaria, Quezon, ay nakalista bilang mga HVI sa ilalim ng Sariaya Municipal Police Station Drug Watchlist. 

Batay sa ulat pasado ika- 8:25 ng hapon ng maaresto ang dalawang suspek matapos magbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer kapalit ng Php 8,000.00 pesos na marked money. 
 
Narekober mula sa mga suspek ang isang self-sealing plastic bag at limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1,025 gramo, at nasamsam din ang isang itim na Honda Click motorcycle na may plate number 715OPB, mga ebidensya kasama ang buy-bust money na nagkakahalaga ng Php 8,000.00.  

Sa mensahe ni RD Lucas, sa patuloy na suporta ng komunidad at sa walang patid na determinasyon ng mga alagad ng batas, bubuo sila ng kinabukasan kung saan ang bawat Pilipino ay mabubuhay nang walang takot sa droga at krimen.  

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Sariaya MPS ang mga naarestong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, na kilala bilang "Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lucena City.

Post a Comment

0 Comments