PANAWAGAN NI ROQUE NA MAGBITIW SI PBBM, KATRAYDURAN AYON KAY ABANTE. By : Felix Tambongco
TINAWAG ni House Committee on Human Rights chairman Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante na ktrayduran ang panawagan ni dating presidential spokesperson, Harry Roque, para sa Isang people power upang patalsikin ang administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Abante, hindi tama ang panawagan ni Roque, hindi naman umano siguro tama na ipanawagan na magkaisa para patalsikin ang ang gobyernong ito
Si Roque ay una ng nadetine ng 24 Oras sa detention facility ng House of Representatives dahil sa pagsisinungaling kung bakit siya hindi nakadalo sa nakaraang pagdinig ng quad committee sabisyu ng POGO, EJK at illegal drug syndicates.
Sa Isang Rally ng KOJC kahapon na ginanap sa Liwasang Bonifacio na dinaluhan ni Roque, nanawagan ito ng pagkakaisa.
Binigyang diin din nito na hindi lamang ito laban ng KOJC na niligawan ni Marcos noong eleksyon kundi laban ng buong sambayanang Pilipino.(FELIX TAMBONGCO)
0 Comments