QUEZON PULIS NAKAHANDA AT MAAASAHANG MAGPAPAABOT NG SWIFT POLICE ASSISTANCE SA GITNA NG PAPARATING NA BAGYO, NGAYONG ARAW NOVEMBER 16, 2024
By :Rommel Madrigal
Parte ng paghahandang joint public assistance and readiness sa parating na Bagyong Pepito katuwang ang Provincial at Local Government Units sa pangunguna ni Honorable Governor, Angelina “ Dra. Helen” D. TAN; pinangunahan ni Pcol Ruben B. Lacuesta, PDQPPO ang pagsasagawa ng Field Visit and Inspection sa mga nakalatag na prior evacuation centers sa 3rd District Municipalities.
Upang siguruhin ang kaligtasan ng bawat ating kababayan, nagkaroon na nang prior deployment of QPPO quick response teams na magbibigay ng police assistance sa mga lugar na prone-flooded, sea coast, at landslide areas.
Batay sa datos ng PAGASA sa bagyong Pepito, paunang isinagawa na ang preemptive collaborative measures kasama ang iba pang ahensiya para paigtingin ang publiko serbisyo sa komunidad at suriin ang risk assessment sa mga lugar na posibleng magtamasa ng hagupit ng bagyo.
Mayroon din nang nakahandang QPPO’s Reactionary Standby Support Force personnel na magiging primary support sa pagsasagawa ng mga search, rescue, and retrieval operations sa buong lalawigan.
Ang kalagayan ng bawat kabayanan sa ating probinsya ay masusi nating binabantayan upang maiwasan ang anumang kapahamakan at maprayoridad ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Makakaasa kayong 24/7 oras kaming magpapaabot ng aming serbisyo sa gitna man ito ng sugapa ng Bagyong Pepito.” Ani ni PD Lacuesta
Dagdag niya, hinihingi po namin ang inyong buong pakikiisa sa ating mga isinasagawang contingent police operations tulad ng paglikas upang maiwasan ang anumang untoward incidents, lalo na sa mga lugar na madalas bahain o pagguho ng mga lupa. Agarang ipagbigay alam anumang inyong pangangailangan upang agaran din natin itong masolusyunan.
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON
0 Comments