APAT (4) NA SUSPEK SA PAGNANAKAW NG SASAKYAN NAARESTO NG HIGHWAY PATROL GROUP CALABARZON. By : Rommel Madrigal

APAT (4) NA SUSPEK SA PAGNANAKAW NG SASAKYAN NAARESTO NG HIGHWAY PATROL GROUP CALABARZON

By : Rommel Madrigal
Matagumpay na naisagawa ng Regional Highway Patrol Unit 4A ang manhunt operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat (4) na suspek, na umanoy tumangay ng sasakyan ng isang 59 na taong gulang na ginang sa Gen. Trias Cavite.
Kinilala ni RHPU Regional Chief Pcol Rommel Estolano ang apat na suspek na sina alyas  Marla, 37 taong gulang, ng Malusac Sta Rosa City; alyas Pia, 38, Tambo, Parañaque City; alyas Nicole, 20, Brgy Lapidario Bayog, Trece Martires Cavite; at alyas Tony, 54, ng Chrysantimum Vill. Brgy San Vicente, San Pedro City sa Laguna.
Nabatid na noong Nov 17, taong kasalukuyan dakong ika 7:30 ng hapon ng mag operate sa San Pedro, Laguna  ang Personnel ng PHPT Laguna sa pangunguna ni PLT NOEL PELINA, kasama sina PCPT ALDINE F MORENO, OIC PHPT ng Cavite, PMAJ GEGEON P MERZA, Provincial Officer,  na nagsagawa ng follow up at entrapment operations hinggil sa reklamo ni biktima, matapos ireport na ninakaw ang kanyang sasakyan noong Oktubre 6, 2024 sa General Trias, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakabawi ng ninakaw na Motor Vehicle, sa mga suspek na ibebenta na sana.
Bago ang nasabing operasyon, noong Oktubre 21, 2024, personal na nagpakita ang complainant/ registered owner sa PHPT Cavite Office at iniulat na ang kanyang MV ay kinuha ng kanyang business partner na isang Antonino Tarayao. 

Dahil dito ay nagsagawa ng intelligence driven operation ang HPG at nakakalap ng impormasyon sa pamamagitan ng isang confidential informant na ibebenta ang subject na MV ng mga suspek, kaya nagsagawa ng entrapment operations ang mga tauhan ng HPG na gumamit ng bundle ng pera na may isang (1) pirasong genuine one-thousand- peso bill bilang marked money. 

Ang suspek na si Ms. Marla Marcelo kasama si Anthony Baustista na direktang nakipagtransaksyon sa mga tauhan ng HPG na umaktong poseur buyer habang ang dalawa pang suspek na sina Pia Martinez at Dennise Nicole Creencia ay sakay ng sasakyan sa nasabing MV. Ang lahat ng mga suspek ay nasa kustodiya ng tanggapan ng PHPT Office at isasailalim sa inquest proceedings para sa paglabag sa PD 1612 (Anti-fencing Law).

Sa pahayag ni RC Pcol Estolano, ang namumukod-tanging tagumpay ng RHPU4A ay bunga ng pinaigting na Anti-Carnapping Operations ng Highway Patrol Group sa pamumuno ni PBGEN WILLIAM M SEGUN, alinsunod sa Aggressive Law Enforcement operations ng CPNP laban sa carnapping, highway robbery, at iba pang uri ng kriminalidad sa kahabaan ng highway.

Post a Comment

0 Comments