15TH ANNIVERSARY NG AFAB, LEAGUE OF LOCATORS, TRADE FAIR, BINUKSAN
By : ROWENA CHAVEZ

BATAAN-Kasabay ng pagdiriwang ng ika-15th Anniversary ng Authority Freeport Area of Bataan (AFAB), isang sport fest o Locators League 2024 ang inilunsad na nilahukan ng manggagawa mula iba't-ibang kumpanya na rehistrado sa Freeport Area of Bataan (FAB) sa Bayan ng Mariveles.

Kasunod nito ang pagbubukas ng Trade Fair na nagsimula nitong sabado November 16 at magtatapos sa December 16, 2024.
Tampok sa Trade Fair ang mga produktong abot kaya ang presyo na gawa sa mga pabrika o mga kumpanyang rehistrado sa FAB, gaya ng bags, toys, clothing, shoes, towels, beddings, sports gear at maraming pang iba.

Ipinakita sa FAB Trade Fair ang high-quality items showcase Filipino crammanshift o gawang Pinoy.

Pinangunahan ni AFAB Administrator CEO Muhammed Hussein Pangandaman at mga opisyal ang pagbubukas ng Locators League 2024 at Trade Fair sa FAB. | via Rowena Chavez
0 Comments