1 NASAWI HABANG 2 ANG MALUBHANG NASUGATAN SA INSIDENTE NG PAMAMARIL SA TERESA RIZAL. By : Felix Tambongco

1 NASAWI HABANG 2 ANG MALUBHANG NASUGATAN SA INSIDENTE NG PAMAMARIL SA TERESA RIZAL
By : Felix Tambongco


DEAD on the spot ang Isang babae habang malubhang nasugatan ang 2 pa sa insidente ng pamamaril sa Pantay Road Sitio Canlibut Barangay Bagumbayan Teresa Rizal kahapon ng hapon June 7, 2025.
Ang biktima na agad na binawian ng buhay sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ay hindi pa nakiniilala ng mga awtoridad, habang ang 2  biktima na kasalukuyang nilalapatan ng Lunas sa pagamutan ay nakilalang si alyas Shana, 30 Taong gulang tubong Morong Rizal, may-asawa at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal at Isang alyas Veronica.

Sa inisyal na na imbestigasyon ng mga kagawad ng Teresa Philippine National Police dakong 5:30 ng hapon ng maganap ang pamamaril.
Galing umano ang mga biktima sakay ng Kawasaki tricycle na may plakang 506XMC galing sa bahagi ng BJMP Barangay Dalig patungo sa kanto ng Bagumbayan.

Pagdating sa bahagi ng Sitio Canlibut, doon umano sumulpot ang 2 hindi pa nakikilalang suspek sakay ng Yamaha NMAX, na armado ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril bago mabilis na tumakas sa hindi pa matukoy na direksyon.

Agad namang naglatag ng dragnet operation ang mga kagawad ng Teresa Municipal Police Station at kasalukuyang nagsasagawa ng review at back tracking sa mga available CCTV at nagrequest na tin ng Forensic Unit para sa Technical Assistance.

Post a Comment

0 Comments