COWBOY COP NAGPAPATRULYA SA MGA PASYALAN SA BUNDOK NG TANAY.By :Felix Tambongco

COWBOY COP NAGPAPATRULYA SA MGA PASYALAN SA BUNDOK NG TANAY.
By :Felix Tambongco

NAGKAROON ng panibagong atraksyon ang mga turista sa Barangay Daraitan Tanay Rizal dahil sa pagtatalaga ng tinaguriang Cowboy Cops.

Ang pagtatalaga ng Cowboy Cop na nagsasagawa ng Cowboy patrolling ay ideya ni Tanay Municipal Police Station chief, Lt. Col. Gaylor Pagala, 

Layon nito na makapagsagawa ng pagpapatrolya da lugar na hindi kayang puntahan ng mobile car o moyorsiklo at tiyakin ang katahimikan at kaligtasan ng mga dumarayong turista sa kabundukan ng Tanay 

Ito tin ang unang pagkakataon na nakikita sa Barangay Daraitan ang mga unipormadong pulis na nagpapatrolya sakay ng kabayo.

Ayon Kay Rizal Police Provincial Office (PPO) Director Col. Felipe Maraggun ang presensya ng Cowboy Patrol sa mga Barangay at tourist destinations lalo na sa mga tabing ilog ay naglalayong mapangalagaan ang mga residente at mga turista sa kabundukan bahagi ng  Tanay.

Poditibo naman ang naging pagtanggap ng mga residente sa lugar sa pagkakatalaga ng mga cowboy patrol.

Ang mga upland Barangay ng Tanay ay dinarayo tuwing tag-araw dahil sa malinis na kailugan at mga rovk formation na nakakaakit lalo na sa mga turista.

Post a Comment

0 Comments