LUNGGA NG MGA KAWATAN SA CAINTA RIZAL, PINABUWAG NI MAYOR KIT NIETO. By : Felix Tambongco

LUNGGA NG MGA KAWATAN SA CAINTA RIZAL, PINABUWAG NI MAYOR KIT NIETO.
By : Felix Tambongco 

TULUYAN ng pinabuwag ni Cainta mayor Kit Nieto at mga tauhan ng lokal na pamahalaan ang mga lungga ng mga kawatan sa ilalim ng tulay sa Ortigas Cainta.
Matagal nang problema ang mga squatters at indibidwal sa lugar na nagdudulot umano ng panganib o problema sa mga residente.

Paniwalaang sa nasabing lugar naglulungga ang mga snatcher, jump boys, spiderman at iba pang indibidwal na nagsasagawa ng anti sosyal na gawain

Layon din ng nasabing clean up na mabawasan Ang nagiging danhi ng pagbaha da panahon ng tag-ulan.
Una ng nagbigay ng 3 araw na palugit ang tanggapan ni Nieto hinggil sa gagawing clean up at pagbaklas sa mga kubol.

Nabigyan naman ng lote sa housing project ng lokal na pamahalaan na Balanai Community ang ilan sa residenteng inalis sa ilalim ng tulay.
May ilang pinasundo sa mga kamag-anak sa Marikina at Taytay, habang ang natitirang apat ay dinala sa shelter ng LGU para bigyan ng pagkakataong magdesisyon sa kanilang kinabukasan.

Magtatalaga din ang alkade ng regular na magbabantay at patrolya sa lugar para tiyakin na hindi na babalik ang mga squatters.
Anya pa, tatlo pang tulay sa bayan ang susunod na lilinisin sa mga susunod na araw.

Nagpasalamat din ang alkalde sa agarang tulong ni Dollar Gacilong Team Comanches at barangay Sto. Domingo sa operasyon.

Post a Comment

0 Comments