PNP CHIEF GEN. MARBIL AT DILG SEC. ABALOS JR., DUMATING NA SA INDONESIA PARA SUNDUIN SI DISMISSED BAMBAN MAYOR ALICE GOU! By : Edwin Moreno
Dumating na sa Indonesia International Airport ang grupo nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. kaninang madaling araw.
Ito'y upang personal na sunduin umano si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at ibalik ito sa Pilipinas.
Nauna ng umalis ang grupo nina Marbil at Abalos sa NAIA International Airport dakong alas 11;20 kagabi sakay ng 8 seater plane patungo ng Indonesia.
Dakong alas 2;30 naman kanina madaling araw ng lumpag sa Soekarno Hatta International airport sa Jakarta, Indonesia ang team.
Ito'y upang sunduin ang dating alkalde para harapin ang mga reklamo sa kinasasangjutan nitong iligal na POGO laban sa kanya.
Hindi naman nagbigay ng komento ang PNP at DILG hinggil sa umano'y palit ulo ng dismissed Mayor sa isang Australian Drug King na si Gregor Johan Haas.
Ang drug king na nadakip dahil sa isinagawang International manhunt operation ay nakapiit ngayon sa Cebu City.
0 Comments