CIVIL DEFENSE NAGSAGAWA NG BASIC INCIDENT COMMAND SYSTEM TRAINING NA TATAGAL NG 3 ARAW SA LAGUNA

CIVIL DEFENSE NAGSAGAWA NG BASIC INCIDENT COMMAND SYSTEM TRAINING NA TATAGAL NG 3 ARAW SA LAGUNA

By : Rommel Madrigal
Isinagawa sa Biñan City People’s Center ang una sa tatlong araw na Basic Incident Command System (BICS) Training na nilahukan ng mga kawani ng city government at piling miyembro ng disaster councils.
Ang pagsasanay ay may layuning palakasin ang kakayahan ng mga responder sa pamamahala ng on-site na insidente tulad ng sakuna at iba pang emergency sa pamamagitan ng isang istandardisadong sistema ng command, malinaw na tungkulin, at maayos na komunikasyon.
Katuwang sa pagsasagawa nito ang Laguna Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at ang Office of Civil Defense CALABARZON.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa City DRRMO, HRDO, PDO, ENRO, Philippine National Police Biñan, City Health Office, at Biñan City Hospital.
Ayon sa mga organizer, mahalaga ang ganitong pagsasanay upang masiguro ang mas maayos, mabilis, at koordinadong pagtugon ng mga lokal na ahensya sa oras ng sakuna at krisis.


Post a Comment

0 Comments