ANTI-RAPE AND ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS LAW, TINALAKAY SA AFAB GAD CONGRESS SA PAGDIRIWANG NATIONAL WOMEN'S MONTH
BY: ROWENA CHAVEZ
BATAAN-Matagumpay na isinagawa ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Committee nito, ang “GAD Congress: An Awareness Orientation on Anti-Rape Law and Anti-Trafficking in Persons Act” bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997.
Gayundin ang Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na pinalawak sa ilalim ng Republic Act No. 11862.
Layunin nitong palalimin ang kaalaman ng buong FAB Community hinggil sa mga batas na nagtataguyod ng karapatan at proteksyon ng kababaihan at isulong ang isang ligtas at gender-fair workplace.
Sa nasabing aktibidad, pinatunayan dito ang mariing pagsuporta ng AFAB sa adbokasiya ng patas na pagtingin sa bawat kasarian at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng kababaihan sa isang mayabong at matagumpay na Freeport Area of Bataan.(ROWENA CHAVEZ)
0 Comments