MAHIGIT 65 LIBONG SEEDLINGS, NAITANIM NG MGA MINING PERMIT HOLDER SA CALABARZON, SA UNANG KWARTO NG 2024.By : Felix Tambungco
UMABOT sa may 65,792 seedlings ang itinanim ng mga Mining Operators/Contractors at Permit Holders sa Region IV CALABARZON sa unang kwarto pa lamang ng 2024 sa ilalim ng nder the Mining Forest Program (MFP).
Sa Kabila ng El Nino phenomenon na nararanasan, nakamit ng mining sector ang kanilang target
Sa isinagawang validation ng MFP at National Greening Program Accomplishments ng lahat ng mining contractors at permit holders in CALABARZON lumalabas na nasa 88 porsyento ang naging mortality rate.
Ang 40,946 seedlings o 62% ang itinanim ng mga Mineral Production Sharing Agreement holders, 15,694 seedlings o 24% sa ilalim ng Mineral Processing Permit Holders, habang ang natitirang 9,152 seedlings o 14% ang itinanim ng Mining Operators/Contractors at Permit Holders.
Nakumpleto ang planting activity katapusan ng buwan ng Hunyo kasabay sa pagdiriwang ng Philippine Arbor Day.2024.
Ayon Kay Mines and Geosciences Bureau CALABARZON Regional Director Edgardo Castillo, ang makabuluhang tagumpay ng programa sa Kabila ng tavtuyot ay ginamitan ng ibat-ibang istratehiya.
Kabilang dito ang pagpapaganda ng water management at soil conservation practices, tulad ng mulching at ground cover planting, na nagpapanatili sa moisture ng lupa.
Habang ang ibang mining contractors ay nagsagawa ng rainwater harvesting at ang nakolektang tubig ay siyang ginamit sa mainyenance at pangangalaga sa reforestation areas.
0 Comments