AMNESTY INTERNATIONAL, KINUNDINA NG MGA INDIGENOUS PEOPLE NG PALAWAN DAHIL SA IRESPONSABLENG ARTIKULO.
By Felix Tambongco
Mariing kinondena ng isang organisasyon ng mga grupo ng katutubo sa Brooke's Point, Palawan, Philippines ang isang
artikulong inilabas ng Amnesty International na nag-aakusa sa mga proyekto patungkol sa nickel mining ng hindi pakikipag-ugnayan sa mga katutubong komunidad at pagdulot umano ng panganib sa mga tao.
komunidad sa Barong-Barong, Ipilan, Calasaguen, Aribungos, Mambalot, at Maasin sa Bayan ng Brooke’s
Point—ang umano’y maling impormasyon at mapanlinlang na pagbabalita.
Binigyang-diin din ng grupo ang
pagsusulong sa pag-unlad ng mga komunidad sa pamamagitan ng malinaw at maayos na mga proseso, patas na pamamahagi ng royalty, at aktibong pakikipagtulungan sa mga lokal na lider.
“Naging aktibo ang aming mga komunidad sa pakikibahagi sa bawat hakbang ng proseso,” saad ni BICAMMPresident Julhadi Carim Titte. Dagdag pa niya, “Taliwas sa ulat, naging masusi at bukas ang mgakonsultasyong isinagawa nang may partisipasyon ng bawat isa, kabilang ang mga kinatawan ng ating
national government at mga lokal na pamahalaan, na pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples.
Pinuna ni Titte ang Amnesty International sa pagpili lamang umano ng ilang mga indibidwal nakinapanayam, partikular ang mga taong may limitadong kaalaman sa mga proseso, at pagbalewala sa mgapangunahing lider ng kanilang komunidad na siyang humaharap sa mga negosasyon at pagdedesisyon.
“Nakatuon lang ang ulat nila sa iilang tao at binalewala ang mas malawak na grupong nakikipag-ugnayan samga kumpanya at sa pamahalaang lokal, kaya nababaluktot ang katotohanan,” ani Titte.
Binanggit ng grupo na kamakailan lang ay natanggap na nila ang humigit-kumulang Php 53 milyon mula sakabuuang Php 73.875 milyong royalties na inilaan sa kanila ng Ipilan Nickel Corporation.
Ang pondong ito ay gagamitin para sa mga proyektong pangkaunlaran gaya ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at
imprastraktura.
Nilinaw din ni Titte na may ganap na access ang mga komunidad sa mga isinasagawang pag-aaral at regular silang inaabisuhan tungkol sa mga potensyal na panganib sa pamamagitan ng mga dayalogo.
“Nakakapanlinlang ang sabihing itinago ang mga dokumentong ito,” aniya. Idiniin din niya na bukod dito, tilaipinamumukha ng nasabing ulat na walang kakayahan ang komunidad ng mga IP na sumuri ng sitwasyon at
gumawa ng sarili nilang desisyon.
Sa huli, mariing tinututulan ng grupo ang mga paratang ng panunuhol at pananakot sa panahon ngkonsultasyon, at binibigyang-diin na walang sinuman sa kanila ang napilitang sumuporta sa mga proyekto
ng pagmimina sa pamamagitan ng pamimilit o paninindak.
Hinahamon din ng BICAMM ang Amnesty International na bawiin ang kanilang ulat at kilalanin angpositibong pag-unlad na nagaganap.
“Panahon na para sa isang makatarungan at patas na representasyonng kung ano ang talagang nangyayari rito, habang patuloy kaming nagtutulungan para matiyak na ang amingmga karapatan ay iginagalang,” dagdag pa ni Titte.
0 Comments