5 ARESTADO NG PDEA AT DRUG DEN NALANSAG SA ANGELES CITY, PAMPANGA
By : Roel Tarayao / Weng Chavez
Arestado ang limang katao na magkakasabwat umanong nagbenta ng shabu sa undercover agent at masamsam ang mahigit P60,000 na halaga ng suspected shabu.
Matapos salakayin ng mga otoridad at malansag ang isang drug den sa anti-illegal drug operations ng PDEA sa barangay Sapang Libutad, Angeles City, Pampanga.
Nakilala ang mga naarestong suspek na sina : alyas " Gina, Jayvee, Rob, Harry, Jaycee, pawang mga nasa wastong gulang at residente sa naturang lugar.
Nasamsam sa operasyon ang nasa 10 gramo ng suspected shabu na may street value ng P68,000, drug paraphernalia marked money na ginamit sa buybust.
0 Comments