KANDIDATONG GOBERNADOR NG LAGUNA. ATTY KAREN AGAPAY, ININDORSO SI CONG. TL TURNE LAJARA AT KONSEHAL ATTY. RAJAY LAJARA, SA CALAMBA
By : Rommel Madrigal
Calamba, Laguna – Pinangunahan ni Laguna Gobernor Candidate Atty Karen Agapay ang pormal na pag indorso sa mga kandidato sa pagka-Congressman ng Calamba na si Turne Lajara at Konsehal Atty. Rajay Lajara sa opisyal na pagsisimula ng kampanya, na isinagawa sa Brgy. Makiling Sports Center, Calamba City.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng kanilang mga tagasuporta mula sa ibat ibang barangay sa nasabing lunsod, kung saan ipinahayag ng mga kandidato sa publiko ang kanilang mga plano at programa sa lungsod ng Calamba.
Ayon kay "Cong TL" Turne Lajara, sa kanyang matagal na panunungkulan ay nakita niya ang kakulangan sa mga serbisyong panlipunan para sa lahat ng Calambeño. Binigyang-diin niya ang kanyang mga pangunahing adhikain, kabilang ang pagpapabuti ng imprastraktura, edukasyon, programang pangkalusugan para sa mga senior citizen, at pagtulong sa mga nangangailangan ng medikal at pinansyal na suporta.
Aniya, katuwang ng lokal na pamahalaan ng Calamba, sisikapin niyang higit pang pagandahin ang bayan ng ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal.
Nagbigay rin ng mensahe si Konsehal Atty. Rajay Lajara kung saan ipinahayag niya ang patuloy na pagsulong ng kanyang mga programa para sa lungsod ng Calamba. Wala umano siyang pag-aalinlangang tumulong sa mga nangangailangan.
“Noon pa man, nang siya ay Kapitan pa lamang ng kanilang barangay, marami na Syang tinutulungang nangangailangan—hindi lamang sa kanyang mga kabarangay kundi pati na rin sa iba.
Nang Sya ay naging Konsehal, mas pinalawak niya ang serbisyo upang mas maraming matulungan sa abot ng aking makakaya,” wika ni Lajara.
Sa mensahe naman ni Laguna Gobernor Atty Agapay, nag pasalamat sya sa mga suporter at humihingi ng dalangin sa bawat isa na maitawid ang kampanya, na matiwasay safe pair and credible ang magaganap na election 2025.
Hinimok din niya ang mga botante na magsuri at piliin ang tunay na qualified sa posisyon bilang gobernador ng lalawigan, nais nyang bigyang pansin ang kalusugan atbeducasyon.
#balitangpinoy
#gobernorattykarenagapay
#laguna
0 Comments