ROMUALDEZ UMAPILA SA MGA BOTANTE NA MAGING MAPAGBANTAY SA KANILANG BOTO, UPANG WALA NG MADAGDAG PA NA ALICE GUO By: Felix Tambongco

ROMUALDEZ UMAPILA SA MGA BOTANTE NA MAGING MAPAGBANTAY SA KANILANG BOTO, UPANG WALA NG MADAGDAG PA NA ALICE GUO 

By: Felix Tambongco 


UMAPILA si Speaker Romualdez sa 67 million Filipino voters na maging mapang-unawa at palaging maging vigilante sa pagpili ng kandidato sa midterm election sa susunod na taon kundi ang kahinatnan ay magkaroon ng marami pang Alice Guos sa  electoral system sa bansa.
 
Ang babala ni Romualdez ay kaugnay sa panahon na ibinigay ng  Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga kandidato national o local sa paghahain ng  certificates of candidacy para sa May 2025 senatorial at synchronized local election.. 
 
Hinilayat din nito ang mga botante na gamitin ang kanilang karapatan na may pag-unawa dahil napakahalagang kanilang ginagampanang papel.

Sa pamamagitan umano ng pagiging mapagbantay magtitiyak natin na ang mga lider sa hinaharap ay may integridad competence at komitment para sa  kagalingan ng bansa.
 
Inihalimbawa nito ang kaso ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo – Isang certified Chinese national – na sanay magsilbing paalala sa bawat Isa na maging mas mapagbantay upang hindi maharap sa nakakahiyang sitwasyon.

Idinagdag pa nito na kung Sama Sama maitatayo ang Isang pamahalaan na tunay na tugon sa mga pangarap ng mamamayang pilipino.

Isang pamahalaan na transparent, accountable, at dedicated sa tunay na public service, Isang gobyerno na karapat dapat sa lahat.

Post a Comment

0 Comments