ATTY KIT NIETO BABALIK SA PAGKA ALKADE NG CAINTA RIZAL, COC PORMAL NG INIHAIN KAHAPON. By : Felix Tambongco


ATTY KIT NIETO BABALIK SA PAGKA ALKADE NG CAINTA RIZAL, COC PORMAL NG INIHAIN KAHAPON.     

By : Felix Tambongco 


PORMAL na ring naghain ng COC ang nagbabalik na si dating Mayor Atty. Johneillr Keith "Kit" Nieto sa bayan ng Cainta Rizal kahapon kasama ang kanyang Vice Mayor na si Sevillon at kanilang mga konsehales.

Ang pormal na paghahain ng COC ay nagmistulang victory party matapos na dumagsa ang mga taga suporta sa ginanap na misa na sinundan ng parada patungo sa compound ng pamahalaang bayan.

Hindi alintana ang mainit na sikat ng araw, hindi magkamayaw ang mga tagasuporta na ang bawat Isa ay nais na masaksihan ang paghahain ng COC ng kanilang mga kandidato.

Matapos ang paghahain ng candidacy ay nagkaroon pa ng isang programa at dito pormal na inindorso ng kasalukuyang Mayor na si Atty. Ellen Nieto ang kanyang asawa para paglingkuran ang kanilang mga kababayan.

Sa talumpati ni Mayor Kit, muli sinariwa nito ang nakaraang panahon kung paano Niya pinaglingkuran ang kanilang bayan at nangako na ipagpapatuloy na walang halong pahsasamantala at pagkukunwari.

Post a Comment

0 Comments