PAG-ATRAS SA KANDIDATURA, JINDI NA GROUNDS SA SUBTITUTION AT SANA ALL MAY INTERNET ACT, LUSOT NA SA KAMARA.By: Felix Tambongco
INAPRUBAHAN na sa Ikatlo at Pinal na pagbasa sa House of Representatives ang panukalang batas na nag-aalis sa withdrawal ng Certificate of Candidacy ng Isang kandidato bilang ground sa pagpapalit sa kandidato ng Isang political party.
Sa ilalim ng (HB) No. 10524, hindi na pwede ang substitution sa mga kandidato na umatras sa pagkandidato.
Sa botong 195 pabor, ganap na napagtibay ang panukala na naglalayong amyendahan ang Section 77 of Batas Pambansa Blg. 881 o ang Omnibus Election Code of the Philippines.
Kinikilala ng panukala na kailangang pslakasin ang electoral system sa bansa sa pamamagitan ng pagpivil sa mockery ng electoral system sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kandidato na pawang mga placeholders para lamang makacomply sa deadline sa paghahain ng kandidatura.
Kabilang din sa panukala ang permanent incapacity bilang karagdagang ground para sa substitution upang tiyakin na kung sino ang himarap sa publilo sa kampanyahan ay siyang dapat na umupo sakali at mahalal.
Ayon Kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kailangang isama ang permanent incapacity bilang additional ground para sa substitution ng kandidato upang tiyakin na kung sino ang humarap sa publiko sa panahon ng kampanya ay ay siyang magsisilbi sakali at manalo sa eleksyon
Sa ilalim ng HB 10524 ang permanent incapacity tulad ng mental o physical impairment, o parehas batay sa verified medical report ngbisang licensed physician, na kumakandidato subalit wala namang kakayahang gumanap ng tungkulin.
Samantala, pumasa na rin sa Ikatlo at Pinal na pagbasa ang HB 10699 o ang Sana All may Internet Act sa botong 203 pabor at ang HB 10723 nagbibigay ng tax exemption sa reward o insentibo na natanghap ng atletang Pilipino kapwa sa botong 203 pabor.
0 Comments