P40 BILYON KITA NG PAMAHALAAN MULA SA MARIJUANA, INAASAHAN SAKALI AT GANAP NA MAISABATAS ANG MEDICAL CANNABIS BILL By ; Felix Tambongco
MADADAGDAGAN ng P40 Billion ang madadagdag sa kita ng pamahalaan sakali at ganap na maisabayas ang Medical Cannabis Bill.
Ito ang binigyang diin ni Bauertek Farmaceutical Technologies President at ,Head for Research and Development RIGEL GOMEZ.
Sa ginanap na Kapihan sa Metro East Media Forum sa pamamagitan ng PAMAMARISAN Rizal Prescorps, sinabi n Gomez na maliban sa kita mula sa buwis ay makakatulong din ito ng malaki sa mga Magsasaka.
Subalit paalala nito na hindi pwedeng kahit sino ay pwedeng gumamit o magtanim ng Marijuana, dahil sasailalim ito sa.mahigpit na patakaran ng gobyerno.
Sa ilalim ng House Bill 10439 na ipinasa sa Ikatlo at Pinal na pagbasa sa House of Representatives, magtatayo ng Medical Cannabis Office na siyang aatasan na mag screen ng mga medical practitioners na siyang magrereseta sa paggamit ng medical cannabis, kasama ang naunang clearance mula sa Dangerous Drugs Board, kung saan ang physician ay hindi kasama sa watchlist ng ahensya.
Binigyang diin ni Gomez na mananatli sa talaan ng dangerous drugs ang marijuana kahit pa ganap naaisabatas ang medical cannabis bill.
Samantala, kumpiyansa si Gomez na agad ring maipapasa ang Senate version ng panukala dahil bago ba na ang mga miyembro ngayon ng Senado.
Matatandaan na una ng pumasa ang panukala noong 18th Congress subalit hindi naman nalalusot sa Senado.
0 Comments