PHILIPPINE ROTC GAMES 2024 NATIONAL CHAMPIONSHIPS, IDINAOS ANG MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS SA CABSU INDANG CAVITE. By Rommel Madrigal
INDANG, Cavite – Idinaos ang matagumpay na pagtapos ng Philippine ROTC Games 2024 National Championship nitong Agosto 23, 2024, na ginanap sa Cavite State University.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang press conference kung saan tinalakay ng Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education, at Department of National Defense ang mga naganap sa nasabing aktibidad at mga plano para sa mga susunod na taon.
Sa talumpati ni Senador Francis N. Tolentino, iminungkahi niya sa mga estudyanteng kalahok na sa loob ng apatnapung taon mula ngayon, ibahagi nila sa kanilang mga magiging anak at apo na sila’y naging bahagi ng ikalawang taon ng ROTC Games. Dito ay nakikita niya na sa loob ng susunod na 40 taon, magiging bahagi ng desisyon ang pagpapapasok ng inyong mga anak sa ROTC, tulad ng inyong karanasan ngayon." Dagdag ni Sen. Tolentino.
Pinasalamatan din ni Senador Tolentino ang pamunuan ng Cavite State University sa pagbibigay-daan upang gamitin ang paaralan para sa ROTC Games 2024, pati na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Department of National Defense, Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education, at lahat ng mga kalahok sa ikalawang taon ng ROTC Games.
Binigyang-pugay din niya ang lahat ng mga nanalo sa iba’t ibang palakasan mula sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa.
Pormal na nagtapos ang programa sa deklarasyon ng pagtatapos ng National ROTC Games 2024 ni Senador Francis Tolentino, kasunod ng pagbaba ng watawat at paglabas ng mga kulay. (ROMMEL MADRIGAL)
0 Comments