SAN PABLO CITY POLICE NAKA ARESTO NG 3 SUSPEK NA NAGBEBENTA NG ILLEGAL NA DROGA 680K HALAGA NAKUMPISKA By : Rommel Madrigal

SAN PABLO CITY POLICE NAKA ARESTO NG 3 SUSPEK NA NAGBEBENTA NG ILLEGAL NA DROGA 680K HALAGA NAKUMPISKA 

By : Rommel Madrigal 
CAMP BGEN VICENTE P LIM, Laguna- Nakuha ng magkasanib na operatiba mula sa Drug Enforcement Unit ng San Pablo City Police Station at Laguna Provincial Drug Enforcement Unit ang Php 680,000.00 halaga ng shabu mula sa tatlong High Value Individuals (HVI) sa isinagawang drug bust operation noong Pebrero 1, 2025, sa Brgy. San Francisco, San Pablo, Laguna.
Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw sa nasabing petsa nang arestuhin ng mga operatiba ang mga suspek na sina alyas “Darwin,” 39; alyas “Bryan,” 37; at “Darren,” lalaki, 37, pawang mga residente ng San Pablo, Laguna, at nakalista bilang HVI sa Drug Watchlist ng Laguna PPO. 
Narekober sa kanila ang isang maliit na plastic sachet at isang knot-tied transparent plastic na naglalaman ng shabu na humigit kumulang 100 gramo ang bigat, na nagkakahalaga ng Php 680,000.00, kasama ang buy-bust money.

Pinuri ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Paul Kenneth T. Lucas, ang nagsamang operatiba sa matagumpay na drug bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong HVI at pagkakakumpiska ng iligal na droga.

"Saludo ako sa kasipagan at kagalingan ng mga operatiba mula sa Drug Enforcement Unit ng Laguna at San Pablo CCPS. Ang pagkakahuli sa mga suspek na ito ay isang malaking tagumpay sa pulisya at mga mamamayan ng San Pablo," RD Lucas said.
Samantala, dinala sa Laguna Provincial Forensic Unit ang mga naarestong suspek at ang mga nakuhang ebidensiya para sa Drug Test at Laboratory Examination.
 
Sasampahan naman ng kaso ang mga suspek kaugnay sa Paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022. (RPIO4A)

Post a Comment

0 Comments