Ni: Jimmy Mahusay
SINUYOD ng “Pamilya Ko” Partylist ang malaking bahagi ng Barangay 78 zone 7 Dstrict 1 Caloocan City upang mag House to house sa pangunguna ng kanilang First nominee na si Atty. Anel Diaz kasama ang mga kaalyado nito at mga supporters.
"NEED RESORT? CONTACT EMELY ALANGUILAN
Unang binahay-bahay ng “Pamilya Ko” ang bahagi ng Barangay 78 right to fox alley at bandang hapon ang bahagi naman Barangay 78 left side kalye kuatro st across Mc Arthur Highway .
Sa panayam ng Media kay Atty. Diaz First nominee ng “Pamilya Ko” Partylist #150, gumawa sila ng isang acronym na “lovables” na sumasagisag sa mga live-in partners, OFWs, families, victims of domestic abuse, adapted families, blended families, extended and elderlies, at solo parents na makikinabang sa batas nais nilang maipasa sa kongm
May tatlong legislative measures ang ihahain nila kung sakali at makasungkit ng puwesto sa kongreso, una, “magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng mga bata, lalu na sa mana ng magulang, maging sila man ay ipinanganak ng ina na hindi kasal sa asawa”, pangalawa, “domestic partnership law” na pakikinabangan ng mga mag live-in partner at mga LGBTQ o lesbian, gay, bisexual, at transgender couples na matagal ng nagsasama nang sa gayon ay magkaroon sila ng karapatan na makapagmana at mangasiwa sa kanilang ari-arian at mabigyan ng karapatan makapagdesisyon sa usaping medikal kung sakali ay dinala nila sa pagamutan ang kanilang partner na may malubhang kalagayan”. At “magkaroon ng legal na batayan ang surrogacy o yung pagbabayad sa mga babaing magluluwal ng sanggol para maging anak ng mag-asawang hindi magka-anak”.
Sinabi ni Atty. Diaz na sa ngayon ay walang batas na magre-regulate sa surrogacy kaya karaniwan na itong tinatagurian bilang pang-aabuso at pagsasamantala. ” Alamin natin yung conditions, parameters proteksiyunan natin yung magulang, yung sanggol at yung surrogate kasi tatlong partido ang involve dito,” dagdag pa ni Atty. Diaz.
Ibinida din ng first nominee ang kanilang kaibahan.. “meron kaming pusong partylist, bakit naming nasabi because we belong to that sector, I come from OFW family, my two brothers in law are OFW’s .. naiwan ang aking dalawang kapatid, so ako na po ang tumayong father figure sa aking mga pamangkin, our other nominee yong kanyang mother is mas bata pa sa kanyang pinakamatandang kapatid, paano nangyari yon kasi yong father nya maraming naanakan, so is he come from a blended family”.
lIpinagmalaki din ni Atty. Diaz na ang “Pamilya Ko” Partylist ay hindi lamang basta sumulpot, bagkus ito ay hinog na sa paglilingkod, “ang Pamilya Ko Partylist ay hindi lang basta itinayo o sumulpot, ito ay matagal ng naglilingkod o naghahatid ng “social services” sa mga kababayan sa pamamagitan ng “Foundation” at kung papalarin di hamak na mas mapapalawak pa namin yong aming kayang gawin kung kami po ay nasa kongreso na bilang lehitimong o elected duly elected partylist organization”( pagtatapos ni Atty. Anel Diaz)
0 Comments